
Naka-chikahan ni Unang Hirit host Luane Dy si Eat Bulaga HBD Girl Patricia Tumulak habang sila ay nagwo-workout sa gym.
Nasa kolehiyo pa lang daw ang EB Dabarkad nang maging “fit-fitan” siya, “Ang pagkain ang nagtulak sa akin na mag-workout.”
Mula noon hanggang napasabak na siya sa beauty pageants, commercials at sa showbiz, nakasanayan na niya ang pagpapanatili ng malusog na pangangatawan.
Kuwento niya sa morning show, “Naging habit ang workout, for me, and I find it therapeutic. After work [sa Eat] Bulaga, diretso ako dito [sa gym] minsan [para] pangtanggal ng stress [at] pangtanggal ng taba.”
Nagbahagi pa ng payo ang 29-year-old beauty queen-turned-TV host sa ating morning chikahan, “Take care of yourself, [and] take care of your body. [You must] hydrate, [have] eight hours of sleep, and [eat] nutritious food.”
Video courtesy of GMA News