Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

WATCH: Sanya Lopez, fresh sa unang taping day ng bagong serye

By MARAH RUIZ
Updated On: June 1, 2017, 11:43 AM
Nagsimula nang mag-taping si Sanya para sa kanyang bagong teleserye kung saan makakasama niya muli si Rocco Nacino. 

Isang simpleng selfie ang ibinahagi ni Kapuso actress Sanya Lopez sa kanyang mga Instagram followers kahapon, May 31.

"First day!" matalinghaga niyang sulat sa caption ng kanyang post. 

Nagsimula na kasi ang taping para sa panibagong seryeng pagbibidahan ni Sanya. Wala pa gaanong detalye tungkol sa upcoming teleserye, pero makakasama ng aktres dito sina Rocco Nacino, Thea Tolentino at Pancho Magno. 

Fresh at young ang look ng aktres dahil sa simpleng makeup—ibang-iba mula sa ayos niya bilang Danaya sa katatapos lang ng GMA Telebabad hit na Encantadia. Pero bukod sa panalabas na anyo, malaki rin daw ang kaibahan ng kanyang role mula sa palabang Sang'gre. 

"Hindi na siya kamukha ni Danaya na laging palaban,laging matigas 'yung puso. This time naman si Angela, bubbly siya. Bubbly and at the same time sobrang mahal niya 'yung pamilya niya," paglalarawan ni Sanya sa kanyang karakter. 

Para sa iba pang detalye, panoorin ang buong ulat ni Cata Tibayan para sa 24 Oras:

Video from GMA News

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.