Ms. Gloria Romero, self-confessed fan ni Jaclyn Jose
Marahil ay marami ang hindi nakaka-alam na fan si Ms. Gloria Romero ng multi-awarded actress na si Ms. Jaclyn Jose. Sa katunayan isa siya sa pinakamasaya nang malaman niya na nanalo ito ng Best Actress award sa Cannes Film Festival last year para sa role niya sa Ma’ Rosa.
"Nalukso ako sa aking kama nung tinawag na Best Actress si Jaclyn Jose sa Cannes Film Festival. I was watching TV, umiinom ako ng gamot ganun, tapos nakita ko ‘uy nagpunta sila sa Cannes teka muna."
Dagdag ni Ms. Gloria, “Nung tinawag pa lang tumalon ako sa kama ko at pumalakpak ako talaga. What an honor! So when I saw her recently, I said ako ay isang tagahanga."
Samantala, sa edad niyang 83 years old, hindi pa pumapasok sa isipan ng veteran actress ang mag-retiro.
Nang makapanayam ng miyembro ng media sa grand press conference ng bago niyang show na Daig Kayo Ng Lola Ko last week, sinabi ni Ms. Gloria ang dahilan kung bakit wala pa siyang planong mag-slow down sa showbiz.
Paliwanang niya, “Hindi naman, kasi ‘yung mga ibang roles ko naman, hindi naman masyadong malalaki, sometimes a few lang. Pero this one ewan ko ba kung bakit nagsabay [laughs]. Kaya lang this one naman [Daig Kayo Ng Lola Ko] is on Saturday-Sunday taping ko, so it’s not so heavy.”
Makakasama ng veteran star sa weekly magical anthology ang ilan sa pinakamagagaling na young talents ng Kapuso Network na sina Jillian Ward, Chlaui Malayao, David Remo at Julius Miguel.
Pinuri ni Ms. Gloria ang mga batang aktor at aktres na nakaka-trabaho niya. Bilib na bilib daw ito sa galing ng mga ito.??????? “Ang gagaling nila, magugulat ka. Kasi they start sa workshop eh mayrun na silang baon. The only trick in acting naman is listen to your director, makinig ka sa kaniya kung ano gusto niya palabasin at gawin mo.”
Samahan ang mga apo ni Lola Goreng na sina Alice, Elvis at Moira sa kanilang magical adventure sa Daig Kayo Ng Lola Ko ngayong Linggo 7:35-8:20 P.M. pagkatapos ng Hay, Bahay!.
MORE ON 'DAIG KAYO NG LOLA KO':
IN PHOTOS: The magical press conference for 'Daig Kayo Ng Lola Ko'
EXCLUSIVE: Jillian Ward, may plano ba na maging beauty queen?