MUST-READ: Jaclyn reacts to Jake Ejercito's petition for joint custody
Photo by: Elisa Aquino, GMA Network Inc.
Habang nasa press conference ng D' Originals ngayong Miyerkules (April 5), nagulat si Jaclyn Jose nang banggitin ng press ang tungkol sa petition for joint custody na inihain ni Jake Ejercito sa anak nila ni Andi Eigenmann na si Ellie. Ito ang naging reaksyon ng batikang aktres sapagka't hindi niya nabalitaan na noong April 4 ay kinumpirma na ng legal counsel ni Jake na si Atty. Feridinand Topacio na naghain na ito ng pormal na petisyon.
"You know, I can attest to that that they can borrow Ellie anytime. In regards to hiraman, hindi namin ipinagdamot si Ellie kailanman. Alam ni Jake ‘yan," sagot ni Jaclyn sa press.
Dagdag pa niya na hindi niya raw hahayaang mapasama ang apo niyang si Ellie, "I cannot speak on behalf of my daughter, ang pwede ko lang sabihin sa kampo ni Mr. Topacio [is] know your facts, alamin mong mabuti ang totoo bago ka nagsasalita. It is not proper for a lawyer to talk to the media regarding a five-year-old girl. I will never allow anyone to harm my granddaughter; she is only five years old, Mr. Topacio."
Wika ng isa pang miyembro ng press na isa sa mga inirereklamo ng kampo nila Jake ay may mga pagkakataon raw na hindi napapaunlakan ni Andi ang hiling ng dating kasintahan na hiramin si Ellie sa hindi malamang dahilan samantalang may napagkasunduan ang dalawa.
“Alam mo, wala ako sa tamang posisyon para magsalita, pero maraming pagkakataon din si Jake na ako mismo ang sinasabihan niya na hihiramin niya on that day. At sasabihin ko kay Ellie, ‘Your dad is [going to] pick you up.’ Pero hindi siya darating. Please let's not make this issue a circus because I'm [going to] fight for my granddaughter. Mag-isip muna tayong lahat mabuti, Jake, Mr. Topacio, whoever is behind you. Mag-isip tayong mabuti because ang sinisira ninyo dito ay buhay ng limang-taong-gulang na babae na napakatalino, napakaganda, napakabait, napaka-sweet at napaka-loving. Don’t you ever take that away from my granddaughter—that sweetness, that love, that happiness, and everything that she has at the moment now that she’s five,” buwelta naman ni Jaclyn.
Nakakatanggap rin si Andi ng batikos mula sa iba na hindi raw siya nagiging mabuting ina para kay Ellie kaya't hindi napigilang maging emosyonal ni Jaclyn nang sagutin ang kritisismong ito.
Aniya, "Andi is so busy working for her daughter. We don't get financial support [from] anyone. She is a single mom, she has to work like what I did when I was a single mom. Hindi ako humingi o umasa like what she is doing right now mula noong naipanganak si Ellie. Wala kaming hiningi, wala silang binigay, wala kaming sinasabi. Pinipilit ni Andi to raise her daughter na maging mabuti, masaya, walang angst, at walang problema na bata. Everyday siyang nagte-taping at hindi siya bumibigay for Ellie; alam ko tinitibayan niya ang loob niya."
Sa huli ay simple lang naman ang hiling nina Jaclyn at Andi para kay Ellie, "Ang gusto lang namin, mabuhay si Ellie na buo ang pagkatao na andyan ang tatay sa side [niya]. Pinipilit namin na pagsamahin ang mag-ama para mabuo ang pagkatao ng bata."
MORE ON JACLYN JOSE:
READ: Jaclyn Jose, naranasan na raw manugod ng kabit?
LOOK: Jake Ejercito and Andi Eigenmann on another Twitter war