What's Hot

WATCH: 'Alyas Robin Hood,' may kakaibang ending ayon kay Dingdong Dantes

By MICHELLE CALIGAN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 21, 2017 3:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 nabbed, P3.92M in smuggled cigarettes flagged at checkpoint
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Clue na raw ang suot ni Dingdong sa latest interview niya. 

Huling linggo na ng top-rating primetime series na Alyas Robin Hood, kaya inaabangan na rin ng marami kung paano matatapos ang kuwento ni Pepe, na ginagampanan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

READ: Dingdong Dantes, malaki ang pasasalamat sa mga tumutok sa 'Alyas Robin Hood'

Sa ulat ni Lhar Santiago sa 24 Oras, ikinuwento ni Dong na hindi daw pangkaraniwan ang magiging ending ng kanyang teleserye.

"Dito may kakaibang ending kami na ipapakita na dapat nilang abangan. I think hindi siya madalas ginagawa sa mga ganitong klaseng teleserye sa timeslot na 'to. We are offering something different this time, kaya abangan nila ang dulo."

May mensahe naman siya sa televiewers na nagmungkahing magkaroon ng Book 2 ang Alyas Robin Hood.

"Bakit naman hindi, 'di ba? The quest for justice ay hindi naman natatapos sa isang chapter lang. It's an ongoing struggle kaya maraming pupuwedeng puntahan 'yung storya ni Pepe, lalo na ngayon na naka-barong siya," pahayag niya.

Panoorin ang kabuuan ng interview dito:


MORE ON DINGDONG DANTES:

'Case Solved' pilot episode takes top spot on Twitter Philippines

Dingdong Dantes on extra judicial killings and death penalty: "We need not see justice as thirst for blood"