WATCH: Bakit makabuluhan para kay Joey Paras ang The Last Supper painting?
Sa Italy nagdiwang ng kanyang kaarawan ang Sunday PinaSaya mainstay na si Joey Paras noong February 7 (Tuesday). Wish granted ito para sa aktor na lubos na nag-enjoy sa kanyang bakasyon abroad.
Benvenuti a Venezia! #PARASinITALY ???????? #TheRoadToTheCrown ????????
A post shared by Joey Paras (@joeyparas) on
A post shared by Joey Paras (@joeyparas) on
Marahil ang highlight ng kanyang trip ay nang makita niya sa personal ang iconic na obra ni Leonardo Da Vinci sa Kumbento ni Santa Maria delle Grazie sa siyudad ng Milan.
“Nakita ko na ang [The] Last Supper na matagal ko nang hinahanap! Ang [The] Last Supper na nagbigay sa akin ng unang pagkakataon na maging bida sa kauna-unahan kong Cinemalaya Film noong 2009,” saad ng Kapuso star sa isang social media post.
A post shared by Joey Paras (@joeyparas) on
Pinagbidahan ng komedyante ang Cinemalaya 2009 Best Film na ang Last Supper No. 3 kung saan na-nominate siya para sa Gawad Urian Awards Pinakamahusay na Aktor 2010, Golden Screen Awards Best Performance by an Actor in a Leading Role 2010, at sa Star Awards New Movie Actor of the Year 2010.
Nagbukas ng maraming acting opportunities ang naturang proyekto kaya hindi niya pinalampas na makita ang original painting ng makasaysayan na pintor.
Mapapanood kada Linggo si Joey sa top-rating comedy-variety show na Sunday PinaSaya.
MORE ON JOEY PARAS:
READ: Joey Paras, walang hanggan ang pasasalamat kay Direk Wenn Deramas