Siya raw ang twin ng Pinoy Matteo Do na si Gil Cuerva?
Nasasabik na ang mga Kapuso televiewers na mapanood finally on TV ang Filipino adaptation ng Koreanovela na My Love From The Star (MLFTS) na pagbibidahan nina Ultimate Star Jennylyn Mercado at male model Gil Cuerva.
Mas lalo pang nagiging exciting ito dahil nagpatikim ang cast ng MLFTS ng ilang behind-the-scenes sa kanilang taping.
Kamakailan lang ay nag-post sa Instagram si Gil kung saan nakasama niya ang Tsuperhero actor at comedian na si Valentin.
Mukhang naging maganda naman ang shoot nilang dalawa at nag-comment si Gil na puwede na raw silang maging action stars.
Nagbiro naman ang comedian na si Valentin na sa tuwing kaharap daw niya ang Kapuso leading man ay akala niya ay nakatingin siya sa salamin.
Bago napanood sa Tsuperhero si Valentin ay nakilala siya sa commercial ng isang sikat na detergent brand.
MORE ON 'MY LOVE FROM THE STAR':
Netizens find Gil Cuerva's bike training for 'My Love From The Star' super adorable
LOOK: Piolo Pascual meets Pinoy Matteo Do
EXCLUSIVE: Alden Richards, walang pinanghihinayangan na hindi sila ni Maine Mendoza ang bibida sa 'My Love From The Star'