Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

WATCH: Pres. Duterte, naglabas ng sama ng loob patungkol sa naging relasyon nina Baste Duterte at Ellen Adarna

By BEA RODRIGUEZ
Updated On: February 22, 2020, 09:58 PM
Panoorin ang naging pahayag ni President Duterte tungkol sa kanyang bunsong anak at ang naging relasyon nito kay Ellen Adarna.

Naghain ng sama ng loob si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati nang mapag-usapan ang naging relasyon ng kanyang anak na si Baste Duterte at ang ex-girlfriend nitong si Ellen Adarna.

 

A photo posted by Ellen Adarna (@maria.elena.adarna) on


Sa loob ng pito hanggang walong buwan na magkarelasyon ang dalawa, hindi na raw umuuwi ang kanyang bunso na lalaki dahil palaging namamalagi sa sexy actress. Ani President Duterte, “[Ang] isang bunso [ko ay] isa pa ring tarantado. ‘Di umuuwi ng bahay [at] sige lang doon kay Adarna.”

Napakilala na umano noon ni Baste sa kanya ang actress-model sa isang hapunan sa Malacañan Palace. Bagama't hiwalay na raw ang magkasintahan, nanatili silang magkaibigan at patuloy pa ring nagkakasama.

Nag-aalala ang presidente sa kalagayan ng anak ni Baste sa ex-girlfriend nitong si Kate Necesario, “’Yung anak niya [ay] ilang beses ko nang kinausap. [Tinanong] ko ‘yung apo ko, ‘Sino ang mahal mo? Papa mo [o] mama mo?’”

Ang naging sagot daw ng bata ay “mama lang” kaya “tragedy” daw ito para sa kanyang apo na hindi na binibisita ng kanyang ama.

Video courtesy of GMA News

MORE ON BASTE DUTERTE:

IN PHOTOS: Ellen Adarna and Baste Duterte's Siargao Island escapade

#TriviaTuesday: 8 things you didn't know about Baste Duterte

Photos by: @maria.elena.adarna(IG)

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.