
Wish granted!
Bukas (Jan. 30), opisyal nang magtatapos ang reign ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. Pero bago 'yan, may inihandang munting sorpresa ang Miss Universe organization para kay Pia.
Sa program book photo shoot ni Pia, natamo ng dalaga isa sa pinakamimithi niyang makita, ito ay ang iconic na Mikimoto crown.
Ang nasabing crown ay ang siyang ginamit ng Miss Universe organization bago ang Diamond Nexus at ang ngayon ay ginagamit na DIC crown.
Ayon sa dalaga, matagal na niyang hiling na makita ita ngungit ngayon lamang siya pinaunlakan ng organization.
Tunghayan ang final performance ng ating pambato sa nalalapit na pag-ere ng GMA ng live broadcast sa January 30 ng 8:00 a.m.
MORE ON MISS UNIVERSE:
WATCH: Pia Wurtzbach leaves New York apartment with luggage 9 times more when she first came
Miss Universe Organization's Paula Shugart defends Pia Wurtzbach from bashers
WATCH: Magkaibigang Filipino fashion designers, to the rescue kay Miss Universe Sierra Leone Hawa Kamara