WATCH: Magkaibigang Filipino fashion designers, to the rescue kay Miss Universe Sierra Leone Hawa Kamara
'Yan ang bayanihan spirit!
Hindi matatawaran ang kulturang bayanihan ng mga Pilipino, hindi lang para sa kababayan kundi maging sa ibang lahi na nangangailangan ng tulong.
'Yan ang katangiang ipinamalas ng dalawang magkaibang fashion designers na sina Jian Lasala at Yves Camingue pati na rin ang kanilang glam team sa gitna ng mainit na kumpetisyon sa Miss Universe.
Ginawan ng mga designers si Miss Universe Sierra Leone Hawa Kamara!
"The Filipinos would always show their generosity in so many ways, and the designer were actually, really generous enough to donate clothes and most of them even created new pieces," ani Jian.
Tinuruan din nila ang dalaga kung paano mag-makeup, sumagot at rumampa.
Bukod kina Lasala at Camingue, pinasalamatan din ni Miss Sierra Leone ang isa pang Filipino designer na si Ann Casas.
A photo posted by Hawa Kamara ???????? (@miss_universe_sierra_leone2016) on
Panoorin ang buong ulat ni Maki Pulido:
Tunghayan ang final performance ng ating pambato sa nalalapit na pag-ere ng GMA ng live broadcast sa January 30 ng 8:00 a.m.
MORE ON MISS UNIVERSE:
WATCH: Steve Harvey and Flo Rida arrive in the country for Miss Universe pageant
WATCH: Miss Universe 1993 Dayanara Torres, nakapamasyal agad sa Manila!