Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

WATCH: Maxine Medina, nanguna sa Twitter trend noong Miss Universe preliminary competition

By BEA RODRIGUEZ
Updated On: February 22, 2020, 05:59 PM

Marami ang naniniwala na pasok si Maxine sa Top 12 sa darating na Miss Universe competition.

All praises ang mga netizens sa performance ng pambato ng Pilipinas na si Maxine Medina sa 65th Miss Universe preliminary competition kagabi, January 26 sa Mall of Asia Arena, Pasay City.


Kuminang nang todo ang Filipina beauty nang rumampa siya suot ang kanyang swimsuit, long gown at national costume. Hindi binigo ng magandang binibini ang kanyang bansa at tila isa siya sa mga strong contenders sa nalalapit na coronation night sa January 30.
 
Marami ang naniniwala na pasok ang host delegate sa Top 12 sa darating na kompetisyon sa Lunes base sa mga tweets na umulan kagabi. Top trending topic pa ang dalaga kasabay ng kanyang performance sa preliminary competition. 

Inulan man ng batikos ang Filipina beauty nang dahil sa kanyang past interviews, malaki naman ang kanyang improvement sa competition proper at pinuri ito ng mga nanood kagabi.
 
Samantala, pinag-usapan din ang sinabi ni Maxine sa audio-visual presentation na si former first lady Imelda Marcos ang nag-imbento ng terno.
 
Ni-report naman ng Unang Hirit kaninang umaga na ayon sa librong Fashionable Filipinas ay noong 1940s pa unang ginamit ang bansag na “terno” na isang one-piece Filipiniana.
 
Tunghayan ang final performance ng ating pambato sa nalalapit na pag-ere ng GMA ng live broadcast sa January 30 ng 8:00 a.m.

 


Video courtesy of GMA News

MORE ON MAXINE MEDINA:
 
WATCH: Gloria Diaz, nilinaw ang sinabing maliit ang chance ni Maxine Medina sa Miss Universe
 
WATCH: Margie Moran on Maxine Medina winning the Miss Universe crown: “It’s destiny”
 
READ: Wyn Marquez expresses support for PH Miss Universe bet Maxine Medina

 

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.