WATCH: Sino ang unang 'Encantadia' Sang'gre na nakaalam sa pagbubuntis ni Kylie Padilla?
Magkaribal sila sa 'Encantadia' ngunit close sila in real life.
Matagal na rin ang pinagsamahan ng cast ng Encantadia dahil simula pa lamang noong 2016 ay naghahanda na sila para sa nangungunang primetime show ngayon sa telebisyon.
Kaya ngayong may blessing na natanggap ang isa sa apat na Sang'gre na si Kylie Padilla, naunang malaman ng Encantadia stars ang balitang ipinagbubuntis niya ang anak nila ni Aljur Abrenica bago pa ito isapubliko.
Sa interview ng 24 Oras, sinagot ni Kylie kung sino sa cast ng GMA Telebabad soap ang una niyang sinabihan. "The first person I told was Gabbi [Garcia] kasi siya talaga 'yung pinaka nakakausap ko sa apat na mga Sang'gre," bahagi niya.
"Nakakatawa siya (Gabbi) sa taping. Kapag nagfa-fight scene ako [sasabihan niya ako], 'Ate Ky, 'yung tiyan mo.' Tapos 'pag standby kami, 'Ate Ky upo ka, 'yung steps mo, 'yung dress mo.' Sabi ko, 'Gab, halata ka na.' Wala pang nakakaalam noon," natatawang kuwento ni Kylie.
Alamin ang iba pang istorya sa engagement at pagbubuntis ni Kylie sa report na ito:
Video courtesy of GMA News
MORE ON KYLIE PADILLA:
MUST-READ: Kylie Padilla admits rumored pregnancy
WATCH: Pagkamatay ni Sang'gre Amihan, ipinagluksa ng netizens