Newbie comedian Valentin on working with DerBea: "Isang malaking honor para sa akin na maka-work sila"
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa aktor, nagkuwento ito kung gaano siya kasaya na makatrabaho sina Derrick Monasterio at Bea Binene.
Maraming mga Kapuso viewers ang natatawa sa mga hirit ng newbie comedian na si Valentin sa Sunday night superhero sitcom na Tsuperhero.
Gumaganap si Valentin bilang kusinero ni Mang Pedi na si Polding. Bago napasok sa mundo ng showbiz si Valentin ay nakilala siya sa isang commercial ng isang popular na detergent brand.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa aktor, nagkuwento ito kung gaano siya kasaya na makatrabaho sa high-rating program ang dalawa sa pinakamalaking bituin sa Kapuso network na sina Derrick Monasterio at Bea Binene.
Kuwento niya, “Naku napakasaya! Isang malaking honor para sa akin na maka-work sila, magagaling silang artista at the same time kitang-kita ko naman ‘yung chemistry talaga.”
Dagdag niya, “On and off the cam maharot ganyan, makulit. So, natutuwa ako na 'pag [ka]eksena ko sila, siyempre dati napapanood ko lang sila sa TV. Tapos imagine ako mismo kasama ko na sila dun sa Tsuperhero. Sobrang saya, sobrang sayang makatrabaho silang dalawa, sina Derrick at Bea.”
Nagpaabot din ng pasasalamat si Valentin sa lahat ng mga manonood sa mainit na pagtanggap nila sa Tsuperhero dahil every Sunday ay trending ang show nila.
“Salamat po sa mga Kapuso na patuloy na nanonood ng Tsuperhero. Sana po tuloy-tuloy po nilang tangkilikin ‘yung Tsuperhero, sobrang saya po namin na ang dami pong napapasaya naming tao. So sana tuloy-tuloy po nilang panoorin at suportahan ang Tsuperhero," aniya.
MORE ON 'TSUPERHERO':
WATCH: Fight scenes sa 'Tsuperhero' na certified trending!
EXCLUSIVE: Alma Moreno believes that Derrick Monasterio is more than just a pretty face
WATCH: What you've missed from 'Tsupehero' last January 8, 2017