
Na-miss ka namin Boobay!
Kasalukuyang nagpapalakas ngayon si Boobay, o Norman Balbuena, matapos makaranas ng stroke noong Nobyembre 2016.
Nakakapamasyal na ang komedyante at nakapunta pa ng Ilocos Norte noong Christmas vacation.
Nang makabalik sa Maynila, minabuti niyang bisitahin ang comedy bar na Klownz para kumustahin ang mga katrabaho niya roon.
Present sa reunion ang mga komedyante at Klownz stars na sina Allan K, Ate Gay, Pooh, Pepita Curtis at Chubbylita.
Kinumpira rin ni Ate Gay o Gil Morales na malapit nang makabalik sa trabaho si Boobay.
Aminado rin si Ate Gay na naging emosyonal siya sa muling pagkikita nila ni Boobay.
"Iyakan hahaha tara sa klownz @boobay7," sulat nito sa caption ng selfie nila ng kaibigan.
"@boobay7 mahal na mahal na mahal kita .. pinaiyak mo na naman ako haaay natuwa ako kasi parang di ka nagkasakit .. pagpatuloy mo yan ha lab u," dagdag pa nito sa comments.
MORE ON BOOBAY:
LOOK: Boobay goes on a road trip a month after stroke
Boobay after his stroke: "Laki din pasalamat ko at pinagbigyan pa ako ni Lord"