WATCH: New Year's Resolution of your favorite Kapuso stars
Kalusugan, trabaho, at pamilya - 'yan ang ilan sa mga resolutions ng ating mga Kapuso stars.
Kalusugan, trabaho, at pamilya - 'yan ang ilan sa mga resolutions ng ating mga Kapuso stars.
"Na-realize ko na din 'yung importance na kumpleto 'yung tulog at saka exercise," bahagi ng 42nd Metro Manila Film Festival Female Celebrity of the Night na si Rhian Ramos.
Para naman kay Pantasya ng Bayan Kim Domingo, nangako itong hindi na male-late. "At least honest ako, ha!"
Si Dennis Trillo at Andrea Torres, parehong para sa pamilya ang new year's resolution.
Ayon kay Dennis, "Ikot ikot sa mga relatives, bonding kasama ang mga loved ones. Mas maganda sine-celebrate [ang Bagong Taon] sa bansa mo talaga kasi siyempre nandito talaga [ang mga] kamag-anak mo."
"'Yung time na magkasama kayo, talagang i-che-cherism mo 'yun kasi nga hindi lagi, hindi siya madaling kunan na available kayo lahat. So, I think 'yung ganon, 'yung effort na maging close sa isa't isa," saad naman ni Andrea.
Panoorin ang kabuuang ulat ni Cata Tibayan para sa Chika Minute ng 24 Oras.
https://www.youtube.com/watch?v=qrwttryT2ro