
Happy birthday, Bitoy!
Ipinagdiriwang ngayon, December 17, ni Kapuso comedian Michael V ang kanyang kaarawan.
Kaya naman isa sa mga unang nagpadala ng pagbati sa kanya ay ang kanyang panganay na anak na si Yanni.
"To the only man I'll ever really need in my life, the one who most people say na pinagmanahan ko, the only one I know who can pass off dad jokes as funny, the one who taught me to embrace my weirdness, and the reason why I don't need a prince to make me feel like a princess. Happy birthday Love you always," sulat niya sa caption ng kanyang Instagram post.
Noong nakaraang linggo lamang ay nagbakasyon ang kanilang pamilya sa Nasugbu, Batangas. Balik trabaho na ngayon si Bitoy at naghahanda para sa holiday special ng longest-running comedy show sa bansa na Bubble Gang.
MORE ON MICHAEL V:
WATCH: Why is Michael V up at 4 am?
WATCH: This is how a showbiz superstar like Michael V spends his weekend