
May pagsubok man, nananatiling matatag si Wyn at ang kaniyang pamilya.
Interview by JANIS IAN GOPEZ
Humarap sa pagsubok ang pamilya ni Kapuso actress Wyn Marquez ngayong taon.
Matatandaang kasalukuyang nakakulong ang kanyang half-brother na si Mark Anthony Fernandez dahil sa mga hinaharap na kasong may kinalaman sa ipinagbabawal na gamot.
Dahil malapit na ang Pasko, isang mensahe ang nais niyang ipaabot sa kanyang pamilya.
"Huwag bibitaw. Minsan kasi we don't see each other as much as we want to. We should find time to see each other," aniya sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.
Umaasa naman siyang magkakaroon siya ng mas maraming panahon para makasama ang kanyang pamilya ngayong taon.
"This Christmas, I think it's going to happen. I'm very excited. I'm looking forward [to it]. Kahit may pinagdadaanan kami, lahat kami magkakasama," pagtatapos niya.
MORE ON WYN MARQUEZ:
LOOK: Wyn Marquez recalls her chubby days
Wyn Marquez at Mark Herras, patas sa gastos