EXCLUSIVE: Janine Gutierrez, love o career ang uunahin?
Ano kaya ang pinili ng Kapuso aktres?
Tila “head over heels” kung ma-inlove si Kapuso star Janine Gutierrez.
Umiikot ang kuwento ng kanyang pinagbibidahang miniseries na Usapang Real Love presents “Relationship Goals” tungkol sa love at career.
Sabi nila, you can’t have the best of both worlds kaya pag-amin ng dalaga, “I think I’m the type of person na uunahin ‘yung love life kasi ganun lang talaga ako. Ewan ko, ‘pag in love ako, in love talaga ako.”
Ngunit paalala ng dalaga na dapat hindi rin mawala ang focus sa karera, “As much as possible, you try to keep a good balance. Importante naman ‘yun na walang labis, walang kulang.”
Bigay todo raw dapat ang pagmamahal sa dalawang aspeto, “As much as possible, you have to give your best in everything you do—mapa-career man o mapa-love life.”
Ito ang kauna-unahang romantic-comedy series ng aktres at itinuturing niya itong special project. Ani, “Nakakatawa talaga siya at saka ang daming makaka-relate. Madami talagang affected sa question na kung love or career, ‘di ba? Medyo universal na problema siya.”
MORE ON JANINE GUTIERREZ:
WATCH: Janine Gutierrez on her break up with Elmo Magalona: “He’s in a new place with new people”
WATCH: Janine Gutierrez, may comment tungkol sa pagbabalikan nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla