
Matapos ng kanyang unang acting stint sa 'Deat Uge,' na-realize ni Ariella na gusto rin niyang maging artista bukod sa pagiging host.
Matapos makamit ang kanyang unang hosting stint sa Wowowin, ang pag-arte naman ngayon ang nais maranasan ni Ariella Arida.
Sa ekslusibong panayam ng GMANetwork.com, ibinahagi ni Ariella na na-enjoy niya ang pag-arte. Gumanap kasi siya bilang isang yaya na nangarap maging beauty queen sa isang episode ng Dear Uge. Bagong karanasan daw ito kahit lumabas na siya sa ibang programa dahil iba ang role niya dito.
Aniya, “Mahirap pag beauty queen ka siguro. Parang ‘yung tingin sa’yo ng tao pag nag-acting ka, parang may certain beauty queen aura pa rin silang tingin sa’yo, so medyo mahirap tanggalin ‘yung ganung perspective nila sa’yo. Kaya when it comes to acting, ang nabibigay sa’yong role ‘yung parang maganda ka lang. Alam mo ‘yun, nagmamaganda ka lang tapos hindi ka magsasalita."
“Iba ‘yung talagang may pino-portray ka na role or character. Kaya super happy ako na doon sa Dear Uge parang super different me… Doon ko na-realize masaya pala mag-portray ng someone na hindi ikaw,” patuloy niya.
Dahil din sa kanyang karanasan at kahit noong una ay naiilang at naninibago, looking forward daw si Ariella to more acting opportunities.
Bahagi niya, “Feeling ko, hindi naman pala masama. Naisip ko lang, siguro 'wag ka mahiya.”
MORE ON ARIELLA ARIDA:
EXCLUSIVE: Ariella Arida, masayang nag-celebrate ng kaarawan sa 'Wowowin'
WATCH: Super Tekla, nagtapat ng feelings kay Ariella Arida
READ: Ano ang first impression ni Ariella Arida kay Willie Revillame?