
Naging emosyonal si Inah sa pamamaalam sa kanyang co-stars.
Nag-uumapaw ang pasasalamat ni Inah de Belen sa kanyang co-stars sa katatapos lang na Afternoon Prime series na Oh, My Mama!
WATCH: Oh, My Mama!: The Finale
Isa-isang pinasalamatan ng Kapuso actress ang kanyang mga nakatrabaho.
"Sa aking Beshy Sara @eunicelagusad18, pagiging positibo mo ay laging nagbibigay ng ngiti sa aking mga labi. Hindi ko inakala na magiging ganito tayo kalapit sa isa't isa at labis akong nagpapasalamat na nagkaroon ako ng kaibigan na tulad mo. Tunay kang natatangi! Ang iyong halakhak at pagkamasayahin ay mga bagay na hindi ko malilimutan at laging hahanap-hahanapin," mensahe niya kay Eunice Lagusad.
Aniya kay Gladys Reyes, "Sa aking Ninang Inday, @iamgladysreyes, salamat sa inyong pagsubaybay at sa pagdala ng kagalakan sa akin. Napakahusay mo at tunay na kagiliw-giliw ang pakikipag trabaho sa iyo. Mahal kita!"
Madamdamin naman ang mensahe niya kay Epy Quizon, na gumanap bilang kanyang Mama Gordon.
"Sa aking Mama Gordon, @epyq, wala akong mahanap na salita para ipadama sa iyo kung gaano ako ipinagpala na makatrabaho ka. Tunay ngang isa ka sa mga mabuti at nakakatawang tao na nakilala ko at ikaw ay nagmistulang ama para sa akin. Labis kong minahal ang mga sandaling magkatrabaho tayo at maraming salamat sa mga panahong nasa tabi kita. Umaasa akong makatrabaho kang muli sa madaling panahon! Alam kong hindi ito ang huli. Mahal na mahal kita, Mama!"
Magkahiwalay na posts naman ang kanyang ginawa para sa kanyang leading men na sina Jake Vargas at Jeric Gonzales. Pinasalamatan niya rin ang kanyang mga anak sa teleserye.
Nag-iwan din ng mensahe si Inah sa mga sumuporta sa kanya bilang si Maricel.
MORE ON INAH DE BELEN:
WATCH: Inah de Belen, Jake Vargas at Jeric Gonzales nag-Mannequin Challenge
Inah de Belen, Rodjun Cruz, Wyn Marquez, and gym buddies do the #MannequinChallenge