Comeback project nina Aljur Abrenica at Janine Gutierrez sa 'Usapang Real Love,' nag-trend sa Twitter!
Panoorin ang susunod na episode ng Usapang Real Love Presents “Relationship Goals” sa December 4 ng 5 p.m.
A photo posted by Janine ???????????????????? (@janinegutierrez) on
The Once Again stars are back on TV for their first-ever romantic-comedy project in Usapang Real Love Presents “Relationship Goals.” Sa katunayan, nag-trend ang first episode ng kanilang kuwento sa Twitter kahapon (November 27).
“Meet cute” ang pamamaraan kung paano nag-meet ang characters nina Kapuso stars Aljur Abrenica at Janine Gutierrez sa kuwento bilang sina Kiso at Yapi. Nabilaukan ang dalaga habang kumakain ng hamburger at timing na dumaan ang binata na may dalang inumin. Nauwi ang kanilang “meet cute” moment sa isang “getting to know you.”
Ang hindi nila alam, iisang kumpanya lang pala ang kanilang pinagtatrabahuan at pareho silang kandidato para sa posisyon na Head of Merchants ng Shoppers.com.
Laking gulat ng dalawa nang magkakilala sila sa isang meeting kasama ang may-ari ng kumpanya para talakayin ang kanilang assignments para sa promotion.
Ang team ni Kiso ang nakakuha ng pinakaunang account mula sa apat na kumpanya. Team Kiso, Team Yapi o Team Angel ba ang magwawagi?
Panoorin ang susunod na episode ng Usapang Real Love Presents “Relationship Goals” sa December 4 ng 5 p.m.
LOOK: Aljur Abrenica at Janine Gutierrez, muling magtatambal sa ‘Usapang Real Love’