'Triplets' Manilyn Reynes, Sheryl Cruz, at Tina Paner reunited after 30 years
Abangan sila sa 'Meant To Be'!
Magkakasama muli ang That's Entertainment stars na sina Manilyn Reynes, Sheryl Cruz, at Tina Paner sa bagong nilang proyekto, ang upcoming GMA teleserye, Meant to Be.
Nagkahiwalay ang showbiz 'Triplets' nang pumunta si Sheryl sa U.S. at si Tina naman ay nanirahan sa Spain.
Sa report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras, nai-kuwento ni Sheryl: "Hindi pa rin naputol 'yung friendship namin. And your friends will always remain friends lalo na kapag nasa loob ng puso niyo ang bawat isa."
Dagdag naman ni Tina, "I was just hoping and praying na sana one day 'yung Triplets mabuo."
Matunog din sa social media ang pagbabalik ng tatlo sa kanilang reunion project. Ani ni Manilyn, "Sa social media they are really looking forward to watching us."
Si Manilyn ay gaganap bilang ina ni Barbie Forteza, samantalang si Sheryl naman ang mom ni Ivan Dorschner. Kapatid naman ni Manilyn si Tina sa show. Dito ay may background din ang tatlo bilang isang singing trio.
MORE ON 'MEANT TO BE':
Ivan Dorschner at Addy Raj, Kapuso na!
Bakit hindi makatulog si Jak Roberto?
Ken Chan to his fans: “I am [grateful] to have you in my life.”