READ: Angelina King answers a netizen's politically-charged question on trans advocacy and Caitlyn Jenner
Kamakailan muling pinag-usapan sa social media si Angelina matapos niyang mag-post ng mga larawan kasama ang kilalang transgender na Caitlyn Jenner.
Simula nang mag-out si Angelina King tungkol sa kanyang tunay na kasarian, naging bukas na ang kanyang buhay sa mga taong nais sumilip sa kanyang mundo.
Patunay diyan ang kanyang Instagram account na may handle na hailtothe_queen_ kung saan kasalukuyan itong may 86.8 thousand followers.
Kamakailan ay muli siyang napag-usapan sa social media matapos niyang mag-post ng mga larawan kasama ang kilalang transgender na Caitlyn Jenner.
A photo posted by Angelina Mead King (@hailtothe_queen_) on
Kasama ang asawang si Joey Mead, nakadaupang-palad nila ang dating si Bruce Jenner, ang American television personality at Olympic gold medal-winning decathlete.
Sunday breakfast ????????#carscoffeeandcait #carsandcoffee
A photo posted by Angelina Mead King (@hailtothe_queen_) on
Dala ng parehong hilig sa mga sasakyan, muling nakasalamuha ni Angelina si Caitlyn at hindi naman naging madamot ang una sa pagbabahagi ng larawan sa kanyang social media account.
????#giautomotivegroup #porsche #gt3rs #girlslikeus #transgender #ladydriven #ultraviolet
A photo posted by Angelina Mead King (@hailtothe_queen_) on
A photo posted by Angelina Mead King (@hailtothe_queen_) on
Sa pagkakataong ito, isang netizen ang hindi napigilang magtanong kay Angelina.
"I am truly curious, how do you feel about Caitlyn as a trans advocate in the currently uncertain American political climate?" tanong ng netizen na may handle na "_oh.me_oh.my_."
Matipid naman ang sukling sagot ni Angelina.
MORE ON TRANSGENDER:
Binibini Gandanghari's #ADAMTOEVE transformation
WATCH: Angelina King's first public appearance after coming out as a transwoman