EXCLUSIVE: 'Bubble Gang' star Chariz Solomon umamin kung sino ang pinakamatindi niyang kakumpitensya
Sino nga ba ang kakumpitensya niya?
Photo by: Michael Paunlagui, GMA Network Inc.
Inamin mismo ng Kapuso comedian na si Chariz Solomon na hindi niya puwedeng iwanan ng matagal ang show niyang Bubble Gang. Matatandaan na noong December 2015, ipinanganak ni Chariz ang second baby niya na si Ali Joakim.
Sa exclusive one-on-one interview ni Chariz sa GMANetwork.com, sinabi nito na dalawang buwan lang daw siya nawala sa gag show at kaagad na bumalik dahil sa pagmamahal niya sa Bubble Gang.
Aniya, “Actually two months lang ako nag-leave. Kasi parang kinausap ako ng Executive Producer namin ang sabi niya kung makakabalik, kung kaya na. Kasi parang kailangan na, so siyempre dahil sa sobrang pagmamahal ko din sa show kaya bumalik naman din ako agad.”
Dagdag pa ng celebrity mom na itinuturing niyang isang malaking blessing na mapasama sa dalawa sa pinakamaganda at multi-awarded show sa Kapuso network.
Paliwanag ni Chariz, “Sobrang honored pa din, sobrang happy, sobrang I feel blessed sa dalawang shows (Bubble Gang & Pepito Manaloto) ko ngayon. I could not ask for more.”
“Parang minsan iniisip ko so much [laughs] para sa akin, kasi sobrang blessed ako talaga I’m so happy.”
Tinanong din ng GMANetwork.com ang Kapuso actress kung nakakaramdam pa ba siya ng pressure sa gag show para higitan ang mga past sketches at characters na nagawa niya rito?
“Ako laging napi-pressure sa sarili ko, kasi ang kalaban mo talaga sa kahit saang aspeto ng buhay ay ‘yung sarili mo at hindi ibang tao, so ako I am competing with myself and ‘yun siyempre gusto mo iba’t ibang sketch, iba’t ibang characters, iba-iba ‘yung napapakita mo, iba-iba ‘yung naibibigay mo.”
Ilang tulog na lang mga Kapuso at mapapanood n'yo na ang part 1 ng 21st anniversary offering ng Bubble Gang na ’21 Gang Salute’ sa darating na Biyernes, November 25 at ang second installment naman sa December 2.
Tutok na mga Kababol!
MORE ON 'BUBBLE GANG':
#Throwback: 20 Bubble Gang comediennes we terribly miss
Michael V gunning for another comedy actor trophy in the 2016 Asian Television Awards
WATCH: Michael V's 'Pen Pineapple Apple Pen' video hits 2.7M views in less than a week