Filtered By: TV | News
TV

'Karelasyon' presents 'Naglahong Pangarap'

Updated On: March 10, 2020, 11:37 PM
Nagpakasal sa lalaking nangako sa kanya ng maginhawang buhay, mas matinding pagdurusa lang pala ang matatanggap.

 

 

Matagal nang pangarap ni Agnes ang magkaroon ng marangya at masaganang buhay at tila maaabot na niya ito sa piling ng pakakasalang lalaki na si Roman.

 

Ngunit ilang buwan lang matapos ang kanilang engrandeng pag-iisang didib, isang matinding pagsubok ang darating sa bagong mag-asawa. Dahil na rin sa sobrang pag-ta-trabaho para maibigay ang lahat ng hinihiling ni Agnes, magkakaroon ng malubhang sakit si Roman at agad mauubusan ng pera.  

Ang kaginhawaan na kanilang tinamasa, mabilis mawawala. Ngayon, kinakailangan ni Agnes na magsumikap muli, hindi na lang para sa kanyang sarili kundi para sa mister na may karamdaman.  

Sa gitna ng malaking pagsubok na ito, biglang magpaparamdam ang dating kasintahan ni Agnes na ngayon ay maganda na ang katayuan sa buhay.

Tuparin pa kaya ni Agnes ang kanyang pangakong mahalin si Roman sa hirap man o ginawa kahit ang kanyang mga pangarap ay tila naglaho na? O matutukso siyang sumama sa lalaking una niyang minamahal na ngayon ay handa nang ibigay ang masarap na buhay para sa kanya?

Ito ang kuwento ni Agnes na bibigyang buhay ni Wyn Wyn Marquez kasama si Mark Herras bilang Roman. Makakasama rin nila sina Klea Pineda, Orlando Sol, Maureen Mauricio at Tanya Gomez. Mula sa panulat ni Jon Verzosa at direksyon ni Michael Christian Cardoz.

Mapapanood ang Karelasyon kasama si Ms. Carla Abellana tuwing Sabado pagkatapos ng #Like.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.