What's Hot

Mikee Quintos, kalog at hindi raw maarte!

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 10, 2020 8:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Magnitude 5.3 earthquake hits offshore Sultan Kudarat
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Nag-kuwento ang Kapuso rising star ng pagkakapareho niya sa isa sa mga character na ginagampanan niya sa Usapang Real Love presents Perfect Fit.


 

Get personalized goodies at @thehypemnl! Check them out!!

A photo posted by Mikee Quintos (@mikeequintos) on


Para sa isang baguhang aktres, mahirap gampanan ang dalawang roles, lalong-lalo na kapag iba ang personalidad ng mga ito.

Sina Ella Marie at Cindy ang mga ginagampanang karakter ni Kapuso rising star Mikee Quintos sa kanyang kauna-unahang pinagbibidahang kuwento sa Usapang Real Love presents Perfect Fit.

New Kapuso star Mikee Quintos, ready for her acting debut! 

Ikinuwento ng aktres sa GMANetwork.com ang kanyang mga karakter, “Si Cindy [ay] ‘yung type na [pala] English and super rich kid tapos [napaka] arte with the pouts and hair flips tapos pala ‘Oh my God!’”

“Si Ella [naman ay] very simple – T-shirt lang [at] pants tapos very family-oriented. Noong high school [siya], meron siyang naging crush tapos she goes through a lot of things with the family. Because of the family, medyo meron siyang tampo sa love life [at] meron ding insecurities, of course,” patuloy ng Kapuso actress.

Kahit mukhang sosyal si Mikee, maypagka-boyish ang kanyang aura kaya mas nakaka-relate siya sa kanyang karakter bilang si Ella. Aniya, “Mas madaling magkulit [at] mag-ingay lalo na kapag kaeksena ko si Bekimon. Jusko, tuloy-tuloy ang adlib ng babaeng ‘yan!”

Medyo magkasingtulad rin ang kanilang pangalan, “Actually, Mikaella Marie talaga ‘yung name ko tapos super chubby talaga ako noong baby.”

Enjoy ang first-time leading lady sa kanyang romantic-comedy series kasama ang mga cast at crew nito.

Bilin ng showbiz newcomer sa mga viewers, “Ano ‘yung willing ni Ella gawin para lang mabalik ‘yung spark nila ng high school crush niya na si Eugene? Nagpanggap kasi siyang maging Cindy para lang maka-date [ito].”

 

URL presents "Perfect Fit"!! This Sunday na po, 5pm on GMA Network! Watch out for our FB Live chat later too! 5pm on Usapang Real Love's facebook paaage ????

A photo posted by Mikee Quintos (@mikeequintos) on


MORE ON 'URL PRESENTS PERFECT FIT':

Mikee Quintos, nagpanggap bilang ibang tao para mapansin ni Andre Paras! 

IN PHOTOS: Ang second date nina Mikee Quintos at Andre Paras