
Lumabas na negatibo ang drug test ng Kapuso stars, ayon sa report ng Unang Hirit.
Pinangunahan nina Someone to Watch Over Me star Tom Rodriguez at ng upcoming Pinulot Ka Lang sa Lupa star na si Martin Del Rosario ang pagsuporta sa pagkampanya ng gobyerno kontra droga.
Lumabas na negatibo ang drug test ng Kapuso stars, ayon sa report ng Unang Hirit na nakalap ng morning show mula sa talent manager ng Fil-Am actor na si Popoy Caritativo at sa Instagram ng dramatic actor.
Boluntaryo ring nagpa-test ang kapwa nilang Kapuso stars na sina Mark Herras, Dennis Trillo, Aljur Abrenica, Solenn Heussaff at Epy Quizon.