What's Hot

Andre Paras, humanap ng ka-date sa 'Teender!'

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 27, 2020 10:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rachel McAdams is honored with a star on Hollywood's Walk of Fame
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Ginagampanan ng aktor ang papel ni Eugene sa Usapang Real Love presents Perfect Fit at ito ang gumawa ng profile sa dating app na 'Teender.'


 

 

Gulong-gulo ang karakter ni Kapuso star Andre Paras na si Eugene sa Usapang Real Love presents Perfect Fit nang dahil sa ex-girlfriend nito. To the rescue ang kanyang kaibigan na si Jose na naghikayat sa kanya na gumawa ng profile sa dating app na Teender.

LOOK: Mikee Quintos, nagpanggap bilang ibang tao para mapansin ni Andre Paras! 

Natipuhan niya si Cindy kaya napa-swipe right siya na ibig sabihin ay gusto niya itong makausap. Nagpadala siya ng messages online at nag-respond naman ang dalaga. Ang hindi alam ni Eugene ay ang kanyang kababata na si Ella ang kanyang naka-meet.

READ: Mikee Quintos and Andre Paras talk about working together for ‘URL’ presents “Perfect Fit” 

Ito ang rason bakit ayaw ng hunk actor na makipag-usap sa kahit sino online, “I’m [not] that desperate na kailangan ko ng dating app para makahanap ng true love o ng kaibigan kasi I believe in face-to-face [communication].”

Nagbigay pa ang aktor ng halimbawa. Paliwanag niya sa GMANetwork.com, “I have no intentions in the future na makipag-usap sa mga tao sa social media kasi para sa akin deceiving, kumbaga, maganda ang makeup, maganda ‘yung bahay [at] ‘yung kotse, mayaman o ang cool ng kabarkada pero that’s what social media is—it shows you the best parts.”

Naniniwala pa rin si Andre sa tradisyonal na pamamaraan na makilala ang isang tao, “For me, I want to meet someone in person [kasi] doon mo mare-realize ‘yung strengths and weaknesses ng [tao].”

READ: May napupusuan ba ngayon si Andre Paras? 

Payo pa niya na huwag basta-basta maniniwala sa mga nakikita sa Internet, “You have to talk to people in front of you and don’t rely on social media.”