What's Hot

EXCLUSIVE: Kristoffer Martin, nagulat na siya ang napiling kumanta ng 'Alyas Robin Hood' theme song

By MICHELLE CALIGAN, Interview by MARAH RUIZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 2, 2020 1:31 AM PHT

Around GMA

Around GMA

David Beckham talks about power of social media, says 'children are allowed to make mistakes'
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



"Naintindihan ko kung bakit ako ang pinili kasi rap kasi siya. Nang pinakinggan ko 'yung demo, catchy at ramdam mo 'yung pang-superhero ang kanta..." - Kristoffer Martin

Hindi daw inasahan ni Kristoffer Martin na siya ang kakanta ng 'Sa Piling Mo,' ang theme song ng top-rating primetime series na Alyas Robin Hood.

READ: Dingdong Dantes, pinuri si Kristoffer Martin sa pagkanta ng theme song ng 'Alyas Robin Hood' 

"Nagulat din ako eh. Galing pa kasi ako sa bakasyon nun. Nasa airport ako ng Hong Kong, sabi sa akin ng Artist Center, 'Pagbalik mo, magre-record ka kaagad ng OST ng Alyas Robin Hood.' Ha? Ano'ng pinagpilian n'yo? 'Wala, ikaw talaga,'" kuwento ng Hahamakin Ang Lahat star sa isang exclusive interview with GMANetwork.com.

Dagdag pa niya, "Naintindihan ko kung bakit ako ang pinili kasi rap kasi siya. Nang pinakinggan ko 'yung demo, catchy at ramdam mo 'yung pang-superhero ang kanta. Masaya ako kasi first time ko [kumanta ng theme song] eh."

Masama pa nga raw ang pakiramdam ni Kristoffer nang ni-record niya ang kanta, pero natuwa siya sa feedback ng netizens sa kinalabasan nito.

"Tapos nung ni-record ko pa siya, may sakit ako pero maganda naman daw ang kinalabasan. Andami ang nagtu-tweet sa akin na ang ganda ng theme song ng Alyas Robin Hood."

Narito ang music video ng 'Sa Piling Mo':

 

MORE ON KRISTOFFER MARTIN:

Kristoffer Martin at Hannah Precillas, ini-record na ang theme song ng 'Hahamakin Ang Lahat'

Kristoffer Martin receives acting nomination for 'Magpakailanman' role