
Ayon sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Gabby na wish niya na magtuloy-tuloy ang success ng kaniyang former co-star sa Because of You.
Hindi na ikinagulat ng Tsuperhero actor na si Gabby Concepcion ang pagkapanalo ng dating niyang leading lady na si Carla Abellana sa katatapos pa lamang na 2nd Alta Media Icon Awards ng University of Perpetual Help.
Matatandaan na nasungkit ng Kapuso star ang parangal na Best Comedy Actress for TV para sa mahusay niyang pagganap sa Ismol Family bilang si Majay.
Ayon sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Gabby na wish niya na magtuloy-tuloy ang success ng kaniyang former co-star sa Because of You.
Aniya, “Magaling naman talaga si Ate Carla” [Abellana], kaya tuwang-tuwa nga ako sa kaniya sa mga eksena rin namin sa ‘Because of You,’ so sana tuloy-tuloy ‘yung pagiging successful [niya]. In fact, gusto ko sana siya makasama uli,”
Gusto din daw niya makasama uli ang Ismol Family actress sa panibagong project, dahil super nag-enjoy siya makasama ito.
“Naku hindi ko alam, ako hangad ko lang, dahil masarap siyang kasama magaan, kaya para sa akin walang problema. Para rin akong isa sa mga naghihintay na sana mayrun pa uli, dahil ‘yun ang masarap pag may nakasama kang magaan eh gusto mo wala nang katapusan.”
Mga Kapuso tumutok lang dahil malapit niyo nang mapanood sa telebisyon ang pinakabagong superhero/comedy series na kahuhumalingan niyo linggo-linggo. Abangan si Tsuperhero, soon sa GMA-7!
MORE ON 'ISMOL FAMILY':
#IdealFather: 12 reasons why Ryan Agoncillo is a perfect dad
EXCLUSIVE: Miguel Tanfelix, proud sa tagumpay ni Carla Abellana sa Alta Media Icon Awards
LOOK: Ano ang early Christmas gift na natanggap ni Carla Abellana?