
Ang napiling beneficiary ay ang Pulong Sampaloc Elementary School sa Doña Remedios Trinidad, Bulacan.
Nakiisa si Kapuso actress Rhian Ramos sa isa sa mga feeding program na isinagawa ng GMA Kapuso Foundation.
Tinaguriang "Feed A Child," isinagawa ito sa Pulong Sampaloc Elementary School sa Doña Remedios Trinidad, Bulacan.
Nakihalubilo si Rhian sa mga bata at tumulong sa paghahain ng masusustansiyang pagkain para sa mga ito.
Ang "Feed A Child" program ay inilunsad ng GMA Kapuso Foundation ngayong taon kaakibat ang Department of Education para matutukan at maiwasan ang malnutrisyon sa mga bata.
MORE ON RHIAN RAMOS:
LOOK: Rhian Ramos meets PNP Chief Ronald 'Bato' dela Rosa
WATCH: Bakit mahal na mahal ni Rhian Ramos ang car racing?