
Natupad na ang pangarap ni Alden Richards!
Bago matuloy ang inabangang pagbabalik ng Encantadia ngayong taon, ilang beses na ring sinubukan na gawin ang remake ng iconic GMA telefantasya noong mga nakaraang taon.
Nang umingay ang balitang magbabalik-telebisyon ang Encantadia, isa si Alden sa mga nagpakita ng kanyang interest na mapabilang sa Kapuso soap. Taong 2012 nang mag-tweet ang Pambansang Bae na gusto niya raw makasama sa cast ng nasabing programa.
@direkmark sali ako direk kahit one of the soldiers lang hahaha. #childhooddream. :) #Enca2012
— Alden Richards (@aldenrichards02) January 29, 2012
Matapos ang apat na taon, natupad na ang pangarap ni Alden. Gagampanan niya ang karakter na si Lakan na tubong Mulawin at siya ang tutulong sa mga Sang'gre na ibalik ang kapayapaan sa Encantadia.
WATCH: Alden Richards, papasok na bilang 'Mulawin' sa 'Encantadia' mamaya
Abangan ang paglabas ni Alden sa Encantadia, mamaya na pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.
MORE ON ENCANTADIA:
Encantadia: #Encamania Music Video by encantadia2016
Kilalanin si Yuan Francisco, ang tagapangalaga ng ika-limang brilyante ng 'Encantadia'
LOOK: Direk Mark Reyes on the future of 'Encantadia'