Mapapasabak sa matitinding action scenes si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes para sa pinakabagong primetime series na Alyas Robin Hood.
Ayon sa ulat ng 24 Oras, bago makikilala si Dingdong bilang si Alyas Robin Hood, makukulong ang karakter niya bilang si Pepe dahil mapagbibintangan ito para sa isang krimen.
“Nandito siya ngayon sa kulungan at pagbabayaran nga niya ‘yung kasalanang hindi niya ginawa so gusto niya makahanap ng hustisya sa nangyari sa kanya,” paliwanag ni Dingdong.
Kaabang-abang daw ang mga matitinding eksenang mapapanood sa kanyang bagong programa.
“’Yung action, yakap na yakap ng Pilipino ‘yun at nami-miss na talaga ng Pilipino. And I think Dingdong... no, I don’t think, I can see that Dingdong is doing a fantastic job at it,” sambit ni Direk Dominic Zapanta.
“Masaya na maging part of something that people are looking forward to,” ani naman ni Dingdong.
Sabay-sabay rin daw tinutukan ng kanilang cast at production team ang pilot episode ng Alyas Robin Hood. Nanguna ito sa ratings at naging trending din.
“Sobrang happy kami sa resulta kaya gusto kong kunin ‘tong pagkakataon na magpasalamat sa lahat ng tumangkilik nung pilot episode ng Alyas Robin Hood,” pahayag ni Dingdong.
Video courtesy of GMA News
MORE ON 'ALYAS ROBIN HOOD':
READ: Pilot episode ng Alyas Robin Hood, panalo sa ratings
WATCH: Alyas Robin Hood, ang pgdating ng tagapaglitas