What's on TV

Mag-ina, parehong may May-December love affair

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 20, 2020 1:15 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Mga bumbero, naantala dahil sa ginawa ng isang rider | GMA Integrated Newsfeed
Guam delegation to arrive for Dinagyang Festival 2026
United Kingdom considering social media ban for minors

Article Inside Page


Showbiz News



“Mismatched lovers and unlikely pairings.” Ito ang kuwentuwaang ating susundan sa Dear Uge ngayong Linggo, September 18.

“Mismatched lovers and unlikely pairings.” Ito ang kuwentuwaang ating susundan sa Dear Uge ngayong Linggo, September 18.

Sa magkaibang lokasyon ay parehong naghahanda para sa kani-kanilang date si Jan (Janine Gutierrez) at kanyang inang si April (Lotlot de Leon). Hindi nila alam plano ng isa’t isa kaya laking gulat nilang magkita sa parehong lugar para sa kanilang date.

Ang mas nakakagulat, malalaman ni April na ang ka-date ng kanyang anak ay isang matandang lalaking maaari nang pagkamalang kanyang ama. Gayundin naman ang madidiskubre ni Jan tungkol sa kanyang ina, na ang ka-date nito ay napakabata at maaaring mapagkamalang kanyang anak.

Ano kaya ang kahihinatnan ng kanilang May-December love affair? Tutok na sa Dear Uge, ngayong Linggo, September 18, pagkatapos ng Sunday PinaSaya.