What's Hot

Wedding giveaways ni Isabelle Daza, hinarang ng Italian customs

By MARAH RUIZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 25, 2020 7:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Chile wildfires kill 19 amid extreme heat; scores evacuated
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Kasalukuyang nasa Italy si Belle at Adrien Semblat para sa kanilang kasal na nakatakdang ganapin sa September 10, sa Tuscany.


Isang maliit na setback ang hinarap ni 'it girl' Isabelle Daza bago ang kanyang kasal sa kanyang fiancé na si Adrien Semblat.

Hinarang kasi ng Italian customs ang mga wedding giveaways na ipinadala ni Belle mula Maynila patungong Italy, kung saan sila nakatakdang ikasal.

Matatandaang pinagtulungan pa ng kanyang kapatid na si Ava at ilang pa nilang mga kaibigan ang paghahanda ng gift bags na ito para ibigay sa mga bisita ni Belle sa kasal. 

Kabilang sa gift bag ang ilang hygiene products, mga medyas na may larawan nina Belle at Adrien, maliit na bote ng alak at iba pa. 

 

So sad just got word that the Italian customs in Rome will not release all the give aways for my wedding ????????

A photo posted by isabelledaza (@isabelledaza) on


"So sad just got word that the Italian customs in Rome will not release all the give aways for my wedding," sulat ni Belle sa caption ng kanyang Instagram post.

Hindi naman naibahagi ni Belle ang rason kung bakit hindi pinayagang ipasok sa bansa ang kanyang mga giveaways. 

Samantala, humihingi ng mga suggestions si Belle para sa kanilang wedding hashtag. 

Kasalukuyang nasa Italy si Belle at Adrien para sa kanilang kasal na nakatakdang ganapin sa September 10, sa Tuscany.

LOOK: Isabelle Daza's last day as a single woman

MORE ON ISABELLE DAZA: 

WATCH: Isabelle Daza and Adrien Semblat's pre-wedding shoot

IN PHOTOS: Isabelle Daza and Adrien Semblat's pre-wedding trip