
Are we hearing wedding bells for TomCar?
Nang tanungin si Tom Rodriguez sa press conference ng #LIKE kung may plano na ba siyang magpakasal kay Carla Abellana, sagot agad ni Tom: “That’s definitely part of my plan, it’s what I want. If I didn’t have to work for survival, kahit ngayon.”
Ngunit, hindi rin naman daw nagmamadali ang aktor. Ika niya, “Pero siyempre realidad ngayon sa buhay natin, hindi kaya na lahat instant. Kunwari may mga kailangan ka pang asikasuhin, may mga iba ka pang goals na kailangan muna masigurado mo bago maisip 'yung pangsarili mong kapakanan. Kailangan i-prioritize ‘yun. Pero kung sabihin natin, 'yung readiness, I’m ready.”
Pareho naman ba sila ng nararamdaman ni Carla?
Aniya, “Gaya nga ng sabi [ko], kung baga [sa] pahina ng libro, pareho ng binasa.”
So ready na rin ba si Carla magpakasal?
“Sana. It seems like it,” ika ng Tom.
Sa ngayon ay bida ang aktor sa bagong GMA teleserye na Someone to Watch Over Me, siya rin ang main host sa Saturday talent show, ang #LIKE.
MORE ON TOM RODRIGUEZ:
Tom Rodriguez talks about his two GMA projects, 'Someone to Watch Over Me' and '#LIKE'
Tom Rodriguez and Lovi Poe team-up in 'Someone to Watch Over Me'