
Watch now!
Nitong Hulyo lang ay ipinakita ni Kapuso star Tom Rodriguez sa kanyang social media followers ang kanyang talento sa songwriting and rapping habang naka-standby sa set ng kanyang pinagbibidahang serye na Someone To Watch Over Me.
Marami ang napabilib sa ipinamalas na galing ng aktor kaya gumawa pa siya ng ilang videos na tinatawag niyang Sasakyan Kantahan Sessions.
May sariling bersyon siya ng “Pillow Talk” ni English pop singer Zayn Malik habang naghihintay mag-resume ang taping mula sa dinner break.
May orihinal namang kantang ipinarinig ang aktor na may titulong “Earth and Orbit.”
Ilang singles na rin ang nakanta ni Tom para sa mga GMA shows ngunit magkakaroon na kaya siya ng kanyang sariling album? Let’s wait and see.
Samantala, okupado ngayon ang aktor sa kanyang dalawang bagong shows sa Kapuso network, ang Someone To Watch Over Me at #LIKE.