What's Hot

Alwyn Uytingco on wife Jennica's dedication as a mother: "Adik 'yan sa pagiging nanay"

By ANN CHARMAINE AQUINO
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 8, 2020 1:23 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Alden Richards on reunion with 'Tween Hearts' co-stars: 'The four of us already came a long way'
Pila ka Kapuso Stars, maki-celebrate sa Dinagyang Festival 2026 sa Iloilo City | One Western Visayas
Robi Domingo embraces wellness advocacy in new brand ambassador role

Article Inside Page


Showbiz News



Inilahad rin ni Alwyn kung paano bilang asawa si Jennica.


Sinorpresa ni Alwyn Uytingco ng isang mensahe ang kanyang asawa na si Jennica nang ito ay bumisita sa Sarap Diva nitong Sabado (August 13).

LOOK: 'Sarap Diva's' kuwentuhang nanay with Chynna Ortaleza and Jennica Uytingco

"Si Jennica, adik 'yan sa pagiging nanay," pagsisimula ni Alwyn. "Kapag mayroon siyang gustong matutunan, meron siyang gustong mabasang libro, hahanapin namin 'yan tapos tambak nga 'yung libro sa bahay eh. Pero isa-isa niyang tinatapos 'yan. Talagang makikita mo naman na ibang klase 'yung ituturo niya sa'yo na about how to take care of a child the very natural way. Kaya, nakakatuwa kasi ang dami mong puwedeng matutunan sa kanya."

 

Kaunting pamamasyal para sa #PamilyaUytingco. ???????????????????????? #MoriMoments

A photo posted by Alwyn Uytingco (@alwynzky) on


Inilahad rin ni Alwyn kung paano bilang asawa si Jennica.

"Siyempre as my wife, grabe siya magmahal sa akin, grabe mag-alaga. 'Yung pagkain ko rin maingat siya, gusto niya healthy 'yung food namin sa bahay. At the same time 'yung care niya para sa pets namin, nandiyan pa rin."

Sa pagtatapos ng video message, hindi kinalimutan ni Alwyn na bigyang pugay ang asawa sa dedikasyon nito par asa kanilang pamilya.

Aniya, "I just want to honor her for being such a great mom and a loving wife. Thank you for your love, mahal. For your overflowing love for our family, and also for being compassionate sa ibang mga nanay. Ipagpatuloy mo 'yung advocacy mo sa pagtulong sa ibang mga nanay, kailangan nila 'yun. And, I'm really proud of you. I love you."

MORE ON JENNICA GARCIA AND ALWYN UYTINGCO:

Chynna Ortaleza at Jennica Uytingco, aminadong "OA" bilang mommies

Alwyn Uytingco and Jennica Garcia's daughter turns one