Nabigatan ba si Tom Rodriguez sa tema ng bagong show niya, ang 'Someone to Watch Over Me'?
Gaganap si Tom bilang si TJ, isang lalake na may Alzheimer's disease.
Sa isang exclusive interview sa taping ng ‘Someone to Watch Over Me’ sa Vigan, nakapanayam ng GMAnetwork.com si Tom Rodriguez.
Nangtanungin ang aktor kung nabigatan ba siya sa tema ng show, kung saan may Alzheimer's Disease ang karakter niyang si TJ, sinagot ni Tom: "I looked at it na, nung kinukwento pa lang sa akin, parang may kurot sayo. Na kahit ako, katulad ng sinabi ko, hindi ako naniwala na may ganitong klaseng sakit. I thought, siguro pang TV lang 'yan, until I researched it. Tapos nung nakita ko, 'yun nga, mabigat siya talaga.
Paliwanag niya, "Hindi lang mabigat para sa pasyente, pero mabigat din sa mga nakapaligid sa kanila, sa mga mahal nila sa buhay, sa pamilya nila, sa mga nagaalaga sa kanila. 'Yung mga buhay nila naaapektuhan talaga. And it’s no one’s fault. It’s degenerative condition na as far as we know walang lunas."
MORE ON 'SOMEONE TO WATCH OVER ME':
Tom Rodriguez and Lovi Poe team-up in 'Someone to Watch Over Me'
EXCLUSIVE: Tom Rodriguez wants the youth to be aware of Alzheimer's Disease