What's Hot

EXCLUSIVE: Rhian Ramos, takot maikumpara kay Vilma Santos

By MARAH RUIZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated November 5, 2020 3:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 nabbed, P3.92M in smuggled cigarettes flagged at checkpoint
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Tunghayan ang pagganap ni Rhian bilang Clara sa Sinungaling Mong Puso,  Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Magkaibang Mundo sa GMA Afternoon Prime. 


 

A photo posted by Rhian Ramos (@whianwamos) on

 

Dahil isang remake ang GMA Afternoon Prime series na Sinungaling Mong Puso, hindi maiiwasang ikumpara ito sa orihinal na pelikulang pinaghanguan nito. Hindi rin maiiwasang ikumpara ang mga artistang gumanap sa pelikula at kasalukuyang gumaganap sa serye.

"There is some pressure just doing the same role as her," pagtukoy ni Rhian kay Star for All Seasons Vilma Santos. 

READ: Vilma Santos may tiwala sa pagganap ni Rhian Ramos sa 'Sinungaling Mong Puso'

Si Rhian ang gumaganap sa role ni Clara, ang karakter na orihinal na ginampanan ni Vilma. 

"Ayokong ma-compare kasi nakakahiya. I'm sure if you walk into her living room, it's covered in awards. She's known for being one of the most amazing drama actresses in the country," paliwanag nito sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com. 

Sinusubukan daw ni Rhian na huwag gayahin ang pagganap ni Ate Vi. 

"We're really trying to focus on not replaying the same way. The advice given to me is still to do it on my own way kasi kung nanggaya ako hindi ko rin naman maa-achieve. There's really no one else naman that can fill her shoes din," aniya.

"Hopefully people will find an appreciation for the kind of flavor that I'll be able to put in it," dagdag ni Rhian. 

Samantala, nagpahayag naman ng suporta at tiwala para kay Rhian si Vilma.

WATCH: Sinungaling Mong Puso: Vilma Santos approved

"I'm sure she's good! Napapanood ko naman siya. I'm sure bibigyan naman niya ng justice 'yung role," pahayag ni Vilma sa isang seprate interview sa kanya ni Lhar Santiago. 

Tunghayan ang pagganap ni Rhian bilang Clara sa Sinungaling Mong Puso,  Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Magkaibang Mundo sa GMA Afternoon Prime. 

MORE ON RHIAN RAMOS:

EXCLUSIVE: Rhian Ramos inulan ng projects pagbalik mula sa Europe

Most daring role in Rhian Ramos mapapanood na sa 'Sinungaling Mong Puso'