Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

WATCH: Mega jackpot winner Shayne Jones, ipinasilip ang maliit na tirahan bago manalo sa 'Wowowin'

By CHERRY SUN
Updated On: March 3, 2020, 03:28 PM

Ipinasilip ni Shayne kay Aubrey Carampel at sa '24 Oras' ang munti nilang tirahan sa resettlement area sa Sta. Rosa, Laguna.

Talagang napakalaking biyaya para kay Shayne Jones, ang kauna-unahang mega jackpot winner ng Wowowin, ang kanyang pagkapanalo ng isang milyong piso at bahay at lupa.

Ipinasilip ni Shayne kay Aubrey Carampel at sa 24 Oras ang munti nilang tirahan sa resettlement area sa Sta. Rosa, Laguna.

“‘Yung minsan bang mapalad pa ‘yung iba na nakakain ng isang beses maghapon, kami hindi. Nakaranas kaming natutulog lang kaming mag-ina dyan,” kuwento ni Aling Rexy Soliman, ina ni Shayne.

“Kunwari po wala po talaga tapos may kanin naman po, minsan po ang ginagawa po namin ‘yun po ‘yung tinatawag kong adobo. Adobo po, toyo at kamatis na may sili,” dugtong naman ng dalaga.

Ayon sa ulat ni Aubrey ay tatlong taon na raw hindi nababayaran ng pamilya ni Shayne ang 200 pesos na hulog kada buwan para sa kanilang tinutuluyan. Limang taon na raw silang naninirahan dito at gustong-gusto na nilang umalis para na rin sa kanilang kaligtasan.

Wika ni Shayne, “Ilang beses na po kaming muntikang pinasok. Gusto na po namin lumipat. Siyempre para po kumbaga nasa maayos na tirahan na po kami, safe na. Wala na magtatangka.”

Bago maglaro sa Wowowin, madalas na raw sumabak si Shayne sa beauty pageants at singing contests para kumita rin ng pera. Bata pa lamang daw ay nais na rin niyang mag-artista.

Sino naman kaya ang gusto niyang maging leading man kung sakaling mabigyan siya ng break sa showbiz?

Aniya, “Si Jak Roberto, ang guwapo niya kasi. Gusto ko makita sa personal ‘yung abs niya.”

Video courtesy of GMA News

MORE ON SHAYNE JONES:

EXCLUSIVE: Kilalanin si Shayne Jones, ang unang mega jackpot grand winner ng 'Wowowin'

LOOK: Ang mega jackpot winning moment ni Shayne Jones sa 'Wowowin' 

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.