What's Hot

Heart Evangelista, inaming mantsa ng French Fries ang nagtulak sa pagpipinta ng luxury bags

By MARAH RUIZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 4, 2020 12:29 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Magnitude 5.3 earthquake hits offshore Sultan Kudarat
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Inamin ng aktres na pinintahan niya ang ang isa sa kanyang mga Hermes bags para takpan ang mantsa nito. Hindi niya inasahang magugustuhan ito ng kanyang mga kaibigan na hihilingin na pintahan din niya ang kanilang mga bags.


Mantsa ng mantika mula sa French Fries ang naging mitsa para magpinta sa mga mamahaling bags si Kapuso actress Heart Evangelista.

Pinintahan niya ang isa sa kanyang mga Hermes bags para takpan ang mantsa nito. Hindi naman daw niya inasahang magugustuhan ito ng kanyang mga kaibigan na hihilingin na pintahan din niya ang kanilang mga bags.

READ: Jinkee Pacquaio nagpa-pinta ng bag kay Heart Evangelista

"I have clients from Macau. Some are calling from Dubai. Nakakatuwa na nakakarating siya ng iba't iba bansa. Kumbaga 'yung painting ko, nakakapag-travel din siya," kuwento niya sa panayam ni Lhar Santiago para sa 24 Oras.

Kabilang pa sa mga celebrity clients niya kamakailan si Jinkee Pacquio na asawa ng Pambansang Kamaong si Manny Pacquiao.

"When I heard na magpapa-paint siya, hindi ko akalain na magpapadala siya ng dalawang bag. Nakakatuwa kasi she's very sweet on social media and lagi ka niyang pino-promote," ani Heart. 

Magkano nga ba ang sinisingil ni Heart sa pagpipinta niya ng bags?

READ: Heart Evangelista conducts bag painting class for a hospital's cancer support group

"The bag itself costs in the store, would be P500,000. Outside, some people would spend over P800,000 to a million pesos. The bag would be P90,000 for me to paint on," paliwanag niya. 

Sa kasalukuyan, may 50 bags pang nakapila para pintahan ni Heart. Bukod dito, naka-schedule din siya para magtanghal ng isang exhibit para sa kanyang mga painted bags sa September 3.

Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras:

Video courtesy of GMA News

MORE ON HEART EVANGELISTA'S PAINTED BAGS:

LOOK: Jinkee Pacquaio ginamit na ang bags na pinintahan ni Heart Evangelista

Heart Evangelista ipapasilip ang kanyang mga hand-painted bags sa isang coffee table book