
Makeup na pang-daytime ang kanyang ibinahagi para sa mga kababaihang maaga ang pasok
Si Kapuso star Janine Gutierrez ang isa sa may pinakamagandang mukha ngayon sa showbiz at kaninang umaga ay nagbahagi siya sa Unang Hirit barkada ng ilang beauty tips para sa mga morning people.
LOOK: Janine Gutierrez proudly shows off her no sleep and no makeup face
Bilang in-demand model ang mestiza beauty, marami na siyang nakuhang beauty tips mula sa kanyang makeup artists sa tuwing meron siyang shoots.
Ang Once Again actress pa ang inilunsad bilang mukha ng bagong product line ng Belo Medical Group, ang Belo Cosmeticare.
Makeup na pang-daytime ang kanyang ibinahagi para sa mga kababaihang maaga ang pasok. “‘Di ba kailangan natin gumising nang maaga? So, dapat ‘yung makeup tips na pangpagising.”
Simple lang raw ito gawin. Step one, “Kailangan mag-curl lash ka [kasi] binubukas ‘yung mata mo.”
Mahalaga rin daw ang kulay ng iyong eyeliner, “Instead na black ‘yung eyeliner mo, dapat white or nude para mas nag-po-pop [out ang eyes mo].”
Madali at mabilis lang ang mga ito ilagay. “Para fresh ang umaga [at] hindi magmukhang haggard!”
READ: Beauty talk with Janine Gutierrez