What's Hot

Dingdong Dantes, malaki ang pasasalamat sa regalo ng GMA Network sa kanyang kaarawan

By AL KENDRICK NOGUERA
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 6, 2020 4:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Arra San Agustin, naniniwala na ‘insecure’ ang mga nagtataksil sa relasyon
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



May regalo ang Kapuso network sa kaarawan ng Primetime King.

Ngayong araw ipinagdiriwang ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang kanyang ika-36 na kaarawan at isa sa mga natanggap niyang regalo ay nagmula sa kanyang home network, ang GMA.

Matapos gumanap ni Dingdong bilang Prinsipe Raquim sa Encantadia, agad siyang binigyan ng Kapuso network ng panibagong proyekto. Sa pagkakataong ito, isang title role ang pagbibidahan ng batikang aktor.

Ayon kay Dingdong, lalong naging espesyal ang kanyang kaarawan dahil sa magandang balita na ito. "Mas naging meaningful 'yung araw na 'to dahil mayroon ding isang biyaya na ibinigay para sa 'kin," saad niya.

Dagdag pa niya, "Every time na may opportunity ako to work and to represent the network and to be part of a show, sobrang nagpapasalamat ako. Way ito of doing what we want, reaching out the [viewers] para mabigyan sila ng entertainment."

Malaki raw ang kanyang pasasalamat sa tiwalang ibinigay sa kanya ng GMA noon pa man. Ani Dingdong, "Happy ako na naisip nila na ilagay ako rito. So thank you, isang magandang pa-birthday 'to para sa 'kin. Grateful ako sa GMA."

Sa huli, sinabi ni Dingdong na excited na siya sa kanyang bagong project dahil bigating mga aktor ang mga makakasama niya rito.