Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Glaiza de Castro, sinorpresa ng fans mula sa iba't ibang panig ng mundo

By AL KENDRICK NOGUERA
Updated On: March 21, 2020, 10:28 AM

Abangan ang pinakaaabangang paglabas ni Glaiza bilang Sang'gre Pirena sa Encantadia, gabi-gabi pagkatapos 24 Oras sa GMA Telebabad.

Nag-celebrate ng kanilang fourth anniversary ang official fan club ni Glaiza de Castro na Glaiza Holics at dinaluhan ito ng Kapuso actress kahapon, July 24.


Ayon sa ulat ni Lhar Santiago sa 24 Oras, sinalubong ng fans si Glaiza ng Encantadia theme song kaya't ramdam na ramdam ang iconic GMA telefantasya sa kanilang event. Bukod pa rito, pula ang motif ng kanilang get together na sumisimbolo sa karakter ni Glaiza na si Sang'gre Pirena.

Importante sa Glaiza Holics ang event na ito kaya't ang ilan sa kanila, lumipad pa mula sa iba't ibang bansa tulad ng USA, Denmark, Norway, United Arab Emirates at Israel para lamang makasama ang kanilang idolo.

"Itinaon ko talaga na tuwing July uuwi ako hindi lang para makapagbakasyon kung 'di ipakita na rin 'yung support para kay Glaiza," saad ni Kimberly Joy Honcado na galing pang Dubai.

Bahagi naman ni Liza Delos Reyes mula pa sa Las Vegas, "She's really down to earth. I really like her."

Samantala, ngayong linggo na inaasahang mapanood si Glaiza bilang Sang'gre Pirena sa Encantadia. Kahit daw siya ay excited nang lumabas sa GMA Telebabad soap.

"Sana ma-welcome nila (viewers) at matanggap nila 'yung bagong Pirena, 'yung version ko. Sana masundan talaga nila 'yung kuwento," pahayag ni Glaiza.

Abangan ang pinakaaabangang paglabas ni Glaiza bilang Sang'gre Pirena sa Encantadia, gabi-gabi pagkatapos 24 Oras sa GMA Telebabad.

MORE ON ENCANTADIA:

LOOK: Marian Rivera, pinanggigigilan si Dingdong Dantes sa set ng 'Encantadia'

Gabbi Garcia, lalong ginaganahan sa 'Encantadia' dahil sa magandang feedback ng viewers

Ex-'Encantadia' star Alfred Vargas shows his support for the requel of said telefantasya

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.