Solenn Heussaff, gusto na bang magkaanak kay Nico Bolzico?
Gusto na ba nilang magkaroon ng Little Nico or Solenn?
Wala raw ipinagbago ang relasyon nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico mula nang ikasal sila last May 21.
READ: Solenn Heussaff as Mrs. Bolzico: "Wala talagang naiba"
"Same same. Five years na kaming naka-live in, so parang big party lang ang nangyari, walang naiba," kuwento niya sa entertainment press sa press conference ng Encantadia. Si Solenn ay gumaganap bilang Cassiopea sa nasabing telefantasya.
Hindi rin daw sila nagmamadaling magkaanak ni Nico.
READ: Nico Bolzico's birthday message for Solenn Heussaff's birthday
Aniya, "[Kapag] 33 pa ata ako, 30 ako [ngayon]. In two to three years, tingnan natin, pero not anytime soon. Kasi may time naman, and healthy naman ako so I don't think mahihirapan naman ako. Kung kaya kong hintayin ng five years, gagawin ko 'yan. Kaso lang, since nahirapan 'yung mom ko manganak, baka ako din. So I don't want to wait too long but I don't want to do it right away."
MORE ON SOLENN HEUSSAFF:
Solenn Heussaff, araw-araw na nag-e-exercise para sa 'Encantadia'