What's on TV

Max Collins on her 'Encantadia' role: "Short but sweet"

By AEDRIANNE ACAR
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 9, 2020 10:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magnitude 5.3 earthquake hits offshore Sultan Kudarat
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Para kay Max Collins, walang maliit na role sa 'Encantadia.'
 

A photo posted by Max Collins (@maxcollinsofficial) on

Mapapanood na sa telebisyon ang muling pagbabalik ng telefantasya series na bumago sa mukha ng Philippine entertainment. 

Mamaya, July 18, magsisimula na ang panibagong kabanata ng epic series na Encantadia. At isa sa may pinakamahalagang role na gagampanan ay ang Kapuso leading lady na si Max Collins.

Sa panayam sa kanya ng entertainment press sa grand presscon na ginanap noong July 13 sa Studio 7 ng GMA Network ay nagkuwento si Max patungkol sa kanyang role.

Saad niya, “Short but sweet. 'Yun ang sinasabi ko, short but sweet ang role ko dito.”

Pero binigyang diin ng Kapuso actress na walang maliit na role sa Encantadia dahil lahat ng artista ay gugustuhin pa ring mapabilang sa ganito kalaking project.

Paliwanag niya, “I mean anyone would want to be part of Enca (Encantadia) no matter how small the role, kahit support lang [o] kahit extra lang 'di ba kasi phenomenal talaga ‘yung kasikatan ng Encantadia. So I’m just happy that I’ve got to be part of it kahit [ma]ikli lang ‘yung role ko.”

Nagkuwento rin ang magandang dalaga sa mga challenging fight scenes na ginawa niya para sa show.

“No, hindi ako nag-training. Nagulat ako pagdating namin sa Fortune Island. Okay, fight scene ‘to. Dapat astig talaga ‘to. Tapos parang may tumbling-tumbling pa."

Dagdag niya, “Tapos may mga apoy and nasa ano kami sa hill talaga and I mean ang taas ng hill so nakakatakot siya and lalo na because I’m not a trained martial artist… kinabahan ako, pero nagdasal lang ako sabi ko, 'Lord kaya ko ‘to, kaya ko ‘to!'”

MORE ON 'ENCANTADIA':

IN PHOTOS: 'Encantadia' press conference