What's Hot

Buboy Villar, umaming nagsasama na sila ng American girlfriend

By AL KENDRICK NOGUERA
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 23, 2020 7:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Taylor Swift named to Songwriters Hall of Fame, second-youngest ever
Mga gamot sa ubo, sipon at vitamins, hatid ng GMAKF sa mga apektado ng Mayon | 24 Oras
11 hurt in van crash in Don Salvador Benedicto, NegOcc

Article Inside Page


Showbiz News



"Nagsasama na kami," walang atubiling pagsagot ni Buboy Villar tungkol sa American GF.


"Nagsasama na kami," walang atubiling pagsagot ni Buboy Villar sa press nang tanungin siya tungkol sa American girlfriend niya sa ginanap na Encantadia press conference kahapon, July 13.

IN PHOTOS: 'Encantadia' press conference

Bahagi ni Buboy, pareho raw silang 18 years old ng live-in partner niya na nagngangalang Angillyn Serrano Gorens na galing pa sa Amerika. Isang buwan pa lamang daw sila nagsasama sa bahay ng aktor sa Quezon City at pinili raw ni Angillyn na manirahan na rito sa Pilipinas.

"Okay naman kami [ni Mama]. Sinabi ni Mama na wala na rin naman siyang magagawa, susuportahan kita," pahayag ni Buboy.

Alam ni Buboy na marami ang magtataas ng kilay sa kanyang decision. Saad niya, "Alam ko sa sarili ko na sa mga paningin ng ibang tao, na bakit ganun, ang bata mo pa. Sinabi ko sa kanya (Angillyn) na hindi natin papakinggan kung ano ang sasabihin ng iba. At isa pa, ang mahalaga nito kahit na mag-live in ako, hindi ko sisirain 'yung trabaho ko. Ang mahalaga rito ay nagagawa ko nang maayos 'yung tungkulin ko sa pamilya ko at ngayon ay may panibagong buhay ako kay Angillyn.

Kuwento pa ni Buboy, binabalak na raw nilang magpakasal sa Amerika sa susunod na taon. Nang tanungin kung gusto na ba nilang magkaroon ng anak, "Hindi naman natin mapipigilan kung ano ang destiny natin, mangyayari at mangyayari rin 'yan. Hindi man ngayon, next year o kung [kailan] man, pero wala pa naman [kaming] balak. Go with the flow lang, maging happy," sagot ni Buboy.

MORE ON BUBOY VILLAR:

READ: Sister of girl in Buboy Villar's social media posts clarifies supposed relationship

IN PHOTOS: Buboy Villar and American girlfriend