Kris Bernal, proud sa fellow Kapuso stars na sina Alden Richards at Maine Mendoza
Ano'ng nasabi ni Kris nang makita niya sina Alden at Maine na magkasama sa isang event sa unang pagkakataon?
Masaya si Kris Bernal na nakita niya ng personal na magkasama sa unang pagkakataon sina Alden Richards at Maine Mendoza. Dumalo ang tatlo sa YES! 100 Most Beautiful event na ginanap sa Luxent Hotel kanina.
Doon ay pinangalanan ng entertainment magazine na Most Beautiful Stars ng taon sina Alden at Maine.
A photo posted by Kris Bernal (@krisbernal) on
Ayon kay Kris, proud siya na galing ang dalawa sa kanyang home network na GMA. Saad ni Kris sa kanyang Instagram post, "Proud that the hottest and the most sought-after stars are from my home network."
Dagdag pa niya na karapat-dapat ang phenomenal love team sa tagumpay na kanilang tinatamasa ngayon, "You both deserve all the praises, appreciation, and attention!"
Si Kris Aquino ang nakatanggap ng titulo noong nakaraang taon.
MORE ON KRIS BERNAL:
LOOK: Aljur Abrenica at Kris Bernal, nagpakilig ng netizens sa kanilang litrato
Kris Bernal finishes fifth in her first 10k run
Kris Bernal and Aljur Abrenica's indie film 'EDSA' wins big in World Premieres Film Festival