Nakapanayam ng GMANetwork.com ang StarStruck Alumna na si James Teng upang malaman ang karakter na kaniyang gagampanan sa pinaka inaabangang Encantadia 2016.
Ayon kay James, "I'll be Pako, ako 'yung parang magiging buddy-buddy ni Ruru na magiging ka-comedy ni Wantuk (Buboy Villar)."
Naiiba ang character ni James dahil nilikha daw si Pako para sa kaniya, "Ang alam ko kasi si Apek ['yung character ko] kaso matanda [siya] dapat so gumawa ng bagong karakter."
Ano naman kaya ang mga paghahanda ng aktor para sa kaniyang role?
"Pinapanood ko 'yung Encantadia dati, sinusubukan kong pag-aralan at sa salamin, inaaral ko din 'yung script," sagot ni James.
Excited na daw si James na mag-air ang Encantadia at tiyak na excited din ang kaniyang fans na mapanood siya!
MORE ON JAMES TENG/ENCANTADIA:
Alamin kung bakit idol ni 'StarStruck' cutie James Teng ang comedian na si Pekto
LOOK: The dashing boys of GMA Artist Center
LOOK: Unang pasilip sa dragon ng 'Encantadia'